Sa ating mundo, Maraming Lugar na magaganda at makasaysayan ang pwede mapuntahan ng kahit sinoman. Bawat bansa ay mayroong ipinagmamalaking lugar. Isa na rito ang ating Bansang Pilipinas. Maraming mga magagandang tanawin at lugar ang pwedeng puntahan ng kahit sinoman sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay mayroong labingpito (17) na rehiyon, at sa bawat rehiyon na ito ay mayroong "Tourist Spots" o sa tagalog, Mga lugar na kung saan madalas dinadayo ng mga Turista o mga manlalakbay. Isa na rito ang Lungsod ng Vigan na ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas. Ang Vigan ay matatagpuan sa Rehiyon ng Ilocos (Rehiyon I) sa hilangang kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur. Ang lungsod na ito ay kilala dahil sa makasaysayang mga bahay at mga gusali na may pinaghalong impluwensyang disenyo ng Asyano at Europeo. Ito ay tinaguriang "best preserved Spanish colonial town". Kapag ito'y nilakbay mo, para ka na ring naglalakbay sa panahon ng sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Kamangha-mangha ang pag-aalaga nila dito dahil napapanatili nila ang kalumaan at kasaysayan ng lugar na ito. Ito ay natatanging "World Heritage City" sa Pilipinas base sa UNESCO World Heritage list of Sites and Monuments noong December 2, 1999. Ito ay kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil ito ay napasama sa titulong "7 Wonders of the World" at sa kasalukuyan ito ay kasama sa "New 7 Wonders City".
Ang Lungsod ng Vigan ay dating Isla na napapalibutan ng Ilog Abra, Ilog Govantez at Ilog Meztizo na umiikot sa paligid nito. Ang pangalan ng lungsod na ito ay nagmula at nakuha sa pangalan ng isang uri ng halaman na tinatawag na "Biga-a" na tumutubo sa pampang ng mga Ilog dito at kadalasang nakikita sa mga ilog dito noon. Ang Halamang "Biga-a" ay kauri/kalahi ng isa ring uri ng halaman na "Gabi". Nakuha ang pangalang Vigan dahil sa isang kuwento o anekdota na galing pa sa mga nakalipas na henerasyon, na meron daw isang Kastila na may nakasalubong na isang katutubo at tinanong niya dito kung ano ang pangalan ng lugar, ngunit hindi ito maintindihan ng isang katutubo ang kanyang sinabi at sa kanyang pag-aakala na ang tinatanong ng kastila ay ang halamang Biga-a, at sumagot ang isang katutubo sa salitang Ilocano na "Biga-a Apo". Ngunit hindi ito masabi ng isang Kastila, kaya naging Vigan ang pangalan ng Lungsod na ito.
Bago pa man ang pagdating ng mga Kastila sa ating bansa, Ang lungsod ng Vigan ay kilala na bilang isang Pook-pangkalakalan o Sentro ng kalakalan sa pagitan ng ating mga Katutubo at mga dayuhang Intsik na sakay ng kani-kanilang barko na bumabagtas sa Ilog Meztizo upang makipagpalitan ng mga kanilang produkto na katulad ng mga "exotic goods" na galing sa kaharian ng Asya, para sa mga ginto, silk, beeswax at iba pang produkto na galing naman sa bundok ng Cordillera. Ang mga dayuhan na karamihan ay mga Instik ay nanirahan at nanatili doon at nakapag-asawa ng mga katutubo at doon nagsimula ang "multi-cultural" na lahi ng mga Biguenyo.
Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, nang matapos si Don Juan de Salcedo na kilalang mananakop na Español sa matagumpay niyang paglalakbay at pagtuklas sa Norte, ginantimpalaan siya ng hari ng españya para sa kanyang paglilingkod. Ibinigay at ipinagkaloob sa kanya ang lumang lalawigan ng Ylocos bilang kanyang encomienda. Nang siya ay encomiendero na at Justicia Mayor ng Ilocos, ay nagbalik siya sa Vigan na una niyang natuklasan noong Hunyo 12, 1572. Maiinit at Malugod ang pagsalubong sa kanya ng mga katutubo roon dahil sa naging mabuting pagtrato sa kanila ni Don Juan de Salcedo noon. Ginawa niyang Kapital ang Vigan ng buong Ylocos na noon ay binubuo ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, La Union at ilang bahagi ng Mountain Province. Noong Enero 1574, nagsama siya ng mga misyonerong Agostino upang mangaral tungkol sa Ebanghelyo at itinatag niya ang Vigan bilang isang Kastilang lungsod upang mangibabaw sa mga kalapit-bansa ng Pilipinas. https://kagandahanngvigangroup3.blogspot.com/2016/01/kagandahan-ng-vigan.html
MGA PASIYALAN SA VIGANCITY, ILOCOS SUR
CALLE CRISOLOGO
Ang Calle Crisologo o Kalye Mena Crisologo sa Meztizo District ay isa pinakamahalaga at pinaka pangunahing lugar sa Vigan. Ito ay dinarayo ng maraming Turista.
Sa Calle Crisollogo ng Vigan ay naroon ang humigit-kumulang sa 150 na bahay na bato. Makikita sa mga ito ang husay at galing ng mga artisanong Filipino bago pa dumating ang panahon ng modernong materyales, kagamitan at teknolohiya sa pagtatayo ng gusali. Angmga bahay na bato lamang ang nakatatagal sa lindol at bagyo na madalas tumatama sa rehiyon ng Ilocos. Yari ang bubong nito sa Tisa at yari naman sa kahoy ang ikalawang palapag at ang sahig nito. Marami sa mga ito ay nasa maayos pang kalagayan at ang ilan ay ginawang mga Hotel, museo, tindahan ng mga souvenir, kainan o bar.
ST. PAUL METROPOLITAN CATHEDRAL
Ang St. Paul Metropolitan Cathedral na ipinatayo ng mga prayleng Agostino at nakumpleto noong 1790 ay ginamitan ng katangi-tangi lamang sa mga Ilokano na estilong Earthquake Baroque dahil sa mga lindol na naranasan noon sa Ilocos at may disenyong paulit-ulit na ginamit sa kabuuan na istilong Neo-Gothic at Romanesque. Sa Plaza Burgos matatagpuan ito, ang kampanaryo (mahigit isang dantaon nang naitayo) nito at ang bahagi ng Seminaryo ng Vigan na hindi tinupok ng apoy. Ang loob ng simbahan ay may tatlong nabe (nave), labindalawang (12) altar at isang choir loft. Ang Impluwensya ng tsino ay makikita sa altar sa baptistry, sa pinanday na tansong communion handrail, sa dalawang asong Fu sa labas lamang ng katedral at sa hugisoctagon ng pinakaulo (dome) ng katedral.
CRUIS ALONG MESTIZO RIVER
Magbabad sa kasaysayan at makakuha ng nabighani sa pamamagitan ng mayamang kasaysayan ng Vigan City sa pamamagitan ng River Cruise. cruise ay tumatagal para sa 45 minuto bilang float mo sa pamamagitan ng limang tableaus, ang bawat nagsasabi sa isang kabanata ng kuwento ni Vigan: its pagtuklas, sa pananakop ng mga Espanyol, hanggang sa kasalukuyan. Ito ay nakuha na maging ang pinaka-nagpapatahimik at maganda visual lesson kasaysayan makikita mo kailanman makakuha ng-isang bagay na maaaring mayroon ka napalagpas sa bumalik sa paaralan! Bisitahin lamang ang Ilocos Sur Tourism Office (ito ang tama sa tabi Cafe Leona kasama Calle Crisologo) at magtanong tungkol sa Vigan River Cruise. Siguraduhin na magtanong tungkol sa isang libreng shuttle pagsakay sa Mestizo River! Dalhin ang iyong camera at sunblock!
BANTAY BELL TOWER
Bukod sa mga aerobic benepisyo, Bantay Bell Tower Nag-aalok ka postcard perpektong senaryo, isang musical kakoponya ng bells tugtog, ang kahanga-hangang kalawakan ng langit, at matataas na brick edipisyo na naging saksi sa Vigan siglo ng kasaysayan. Ito ay nakatayo sa tabi ng Sanctuary ng Nuestra Señora de La Caridad, isa sa mga pinakalumang simbahan sa Ilocos Sur, kung saan masa ay pa rin gaganapin regular sa isa sa kanyang mga lugar ng pagkasira.
SOOTHE YOUR SWEET TOOTH AT LEILA'S
Ang Ilocanos ay tiyak na kilala sa pagluluto — at hindi lamang sa maalat at mamantikang pagkain! pasukin ang Leila's Cafe sa kanyang kahanga-hangang hanay ng mga pastries, cakes, desserts, at sandwiches. Tangkilikin ang asukal tumakbo nang mabilis at maging malakas ang loob na subukan sweets sa kanilang menu hindi ka makakahanap ng likod bahay sa Metro Manila. Cupcakes, crepes at shortcakes Naghihintay sa iyong mga ngipin paglubog sa mga ito. ni Leila Cafe ay matatagpuan sa kahabaan General Luna Street, lamang sa pagitan Calle Crisologo at V. de los Reyes Street
DINE AT CAFE LEONA FOR A MOUTHWATERING LONGGANISA MEAL
Ang restaurant na ito ay sikat, pinangalan sa babaing makatang si Leona Florentino, ang Ina ng mga kababaihan ng Philippine panitikan. Ang kanyang ancestral home ay isa na ngayong busy restaurant, na kung saan lahat ng mga turista sa Vigan City ay hindi kayang bayaran upang makaligtaan. Ito ay kung saan kailangan mong kumain ng Vigan longganisa at Bagnet, bagaman ang kanilang menu din nagdadala Filipino, Japanese, Italian at Thai cuisine. Cafe Leona ay matatagpuan kasama Calle Crisologo, kaya ito ay ang perpektong lugar para sa iyong almusal (o tanghalian, o hapunan)!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento